Saturday, May 1, 2010

College Cat

"Mama, samahan mo koooo..." Nagmamakaawa pa ko sa nanay ko.
"Hindi nga pwede sabi ng guard, maganda yan, para matutuo na kayo mag-isa!" Nainis ako sa sinagot ng nanay ko.

Naiinis ako sa tindi ng sikat ng araw. Naiinis ako na nag-suot ako ng itim na damit. Naiinis ako sa nanay ko. Naiinis ako sa guard. Naiinis ako sa buhay...

Sandali.

"O sige na po, itong linya na 'to! Pwede na po pumasok!" Sigaw ng guard.

Nakatingin ako sa nanay ko habang papasok ako ng gate. Inirapan ko siya para malaman niyang naiinis ako. Hindi sa kanya pero sa guard at sa mga nangyayaring kakaiba.

Nakakita ako ng mga kakilala sa loob. Nakasabay ko sila sa audition.

---


Mukhang wala kang idea kung ano ang sinasabi ko. Bweno, bibigyan kita ng panahon para unawain ang mga bagay-bagay na pinagsasabi ko.

Ang istoryang binabasa mo ay tungkol sa pagpasok ko ng buhay kolehiyo. Pero hindi pa ito ang grand finale kaya wag kang umasang aabot ito sa graduation. Ito ay kwento ng pagtatapos ko bilang 1st year college.

Kaya naman itutuloy ko ang nabiting opening remarks. Naiinis ako sa buhay kolehiyo.


---


Nakasabay ko sila sa audition, at dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa araw ng aking enrollment, sinundan ko sila at kung ano man ang ginagawa nila, ginagawa ko rin. Pero hindi ko sila kinakausap, hinihintay kong ako ang pansinin nila.

Ayos lang dahil sa isang lamesa doon, may form ka na ipapa-fill up sa kung sino man nag-aasikaso doon. Pag fill-up nung sa akin, umalis na agad ako. Kailangan pala ang form sa pag enroll, iniwan ko. Buti na lang pumunta doon yung nag-aasikaso sa hintayan ng mga enrollees na sobrang init at tinawag ang pangalan ko. Umatake agad ang kamang-mangan at katangahan ko.

Matagal-tagal din kaming naghintay sa isang parang tent na malaki. Yung tipo bang mga trapal na ginagamit para hindi ka maarawan. Ilang oras din akong umupo ngunit may nakilala namang isang enrollee din sa kursong musika. Mabait siya pero nung araw na iyon, pinagpapasalamat ko na nakilala ko siya dahil siya ang kokopyahan ko ng kung ano mang gagawin sa loob ng gym.

Hindi nagtagal, pinapasok din kami sa loob ng gym. At kopyahan time. Wala namang exams o IQ tests na ginawa kaya walang masama sa kopyahan time na sinasabi ko.

Kinokopya ko kung ano man ang dapat gawin sa pag-enroll. First time ko kasi na maging "independent" at ayoko na buong araw, katangahan ang papairalin ko.

isang problema nga lang, sa kaka-kopya ko sa ginagawa niya, pati pag enroll ng ROTC, pinasok ko. Huli na para mag back-out. Ayaw magpatalo ni Stupidity.

Natapos ang enrollment. Natapos ang sukatan ng uniform. Natapos ang pagpapa ID picture. Natapos na rin ang baterya ko. Sabog na ko pag-uwi. Tulog.

---


The Real Thing


June 14, nag move-in na ko sa boarding house ng tito ko. June 15, pasukan na. June 14, kasama ko pa ang nanay ko matulog sa kwarto ko. June 15 ng gabi, ako na lang mag-isa. June 15 ng hatinggabi, nalulungkot ako.

June 15 ng umaga. Gumising ako ng sobrang aga dahil sa kaba. Kaba o excited, hindi ko masabi. Pero halos hindi na nga talaga ako nakatulog kakaisip sa first day ng buhay kolehiyo ko.

Madalas pag excited o kabado ako, sumasakit ang tiyan ko. Ritwal na ng katawan ko yan. May sakit talaga ko sa tiyan at kaya naman masasabi kong may karapatan na siyang kontrolin ako sa nararamdaman ko. Pero may scientific explanation talaga kung bakit sumasakit ang tiyan pag kabado o excited ka... Pero hindi ko na yun sasabihin pa, napapalayo na tayo sa istorya.

Masakit talaga siya at medyo badtrip na ko. Gusto ko man lang sana na kahit kabado ako, maging maganda ang first day ko. Nawala naman siya maya-maya lang.

Nagpasama pa ko sa nanay ko pagpuntang school. Halatang freshman dahil naka-civilian. At halatang noob (O, may natututunan din ako sa modern world at net lingo), dahil kasama ko nga si nanay. Nakakahiya na nakakuyapit ako sa kanya pero wala akong pakielam. Dahil iniisip ko yung dinadaanan namin papuntang building ko. Kailangan kong makabisado.

Nakarating din kami sa music bldg. May dalawang estudyante pa doon na ka-kurso kong nakatambay sa may tabihan ng mga guard. Papasok na kami ng nanay ko.

"Ay, san ho kayo ma'am?" Pigil ng guard.

Naiinis nanaman tuloy ako.

Nanay ko na sumagot. "Ayy, sa music po?"

"Wala ho silang klase ngayon... blah blah blah.."

Hindi ko narinig yung sinabi ng guard kasi nagsalita din yung isang estudyanteng nakatambay doon at sa kanya ako nakatingin pero sa tingin ko pareho lang naman sila ng sinabi.

"Wala pong klase ngayon eh, may mass po kasi..." Sabi nung estudyante.

TO BE CONTINUED... (leche ha? kakasimula ko pa lang.. "NAKARATING DIN KAMI..." tapos to be continued agad! Nakakatamad talaga!!!!)

Saturday, March 13, 2010

What is That? by Constanin Pilavios


Kung namangha at medyo natuwa ka sa unang video ni Mr. Constantin Pilavios na Small Pleasures, matutuwa ka rin sa What is That? pero maiiyak ka rin. Ilang beses ko ito pinanood at walang sawa sa pagtulo ng luha ang naramdaman ko. Kung may problema ka sa mga mahal mo sa buhay mo ngayong minutong ito, yakapin mo na sila at sabihin mo sa kanilang mahal na mahal mo sila.

Small Pleasures by Constantin Pilavios


Tama nga naman si Mr. Constantin Pilavios. Maraming nilalang sa mundong ito ang hindi nakikita ang mga maliliit na biyaya ng Maykapal kung hindi pa tayo matutulad sa taong nasa video. Hindi ko na kailangan i-explain, kahit na sandali lang ang video clip, malinaw ang storya at AMAZING talaga. Kung gusto mo malaman kung ano ang pinagsasabi ko, panoorin mo!