Pinag-isipan mo bang mabuti kung sino dapat ang mga taong samahan mo?
Paano?
Nerd: Alam niya dapat ang sagot sa 12x + 67y (200ac - 99xy).
Goody-goody: Dapat sipsip siya sa mga teachers *insert smiley here then giggle*
Know-it-all: Ganito lang yan eh, kasi dapat pag pumili ka ng kaibigan, i-a-accept mo siya agad, tangina! Ang galing ko diba? Pakinggan niyo ko, shit, lahat ng sabihin ko tama! Eto pa, trivia ah? Alam niyo bang... *insert straight face here*
Badass: Gago dapat katulad ko.
May sariling mundo: ...
Musician: Dapat alam niya mag analyze ng chorale, tapos alam niyang i-transpose yung pyesa sa lahat ng clef.
Politician: Pag may pera siya?
Religious: Praise God!
Maraming pwede sabihin ang iba't-ibang klase ng tao tungkol sa usaping ito, diba? Pero kung ako ang tatanungin mo,
"Hindi ko sila pinili. Dumating lang sila."
Oo. Yan ang sagot ko.
Sa pananaw ko, hindi mo pwedeng sabihin na "dapat ganito" at "dapat ganyan" kapag mamimili ka ng kaibigan. Paano kung pinili mo siya dahil nakita mo sa kanyang ganito siya?, ganyan siya... sa umpisa? Pero paano pala kung tsaka siya naging monster nung malalim na yung pinagsamahan niyo? Paano pala kung tsaka mo lang napansin na pasensya ang pinaiiral mo sa tagal ng pagsasama niyo at naubos ang pasensyang iyon?
"Hindi ka bumubuo ng friendship kasi patience yung pinapairal mo..." Sabi sa'kin ng isang taong po-problemahin lahat dahil friendly siya.
Naisip ko, hindi ba talaga dapat kasama ang pasensya sa pagkakaibigan? Hindi ka naman nagkaroon ng kaibigan dahil nasunod yung gusto mo. Hindi naman lahat ng barkada ng mga nerd ay matatalino, hindi lahat ng barkada ng mga goody-goody na tao ay sipsip, hindi pare-pareho ang ugali ng mga kaibigan ko. May personalidad sila na ayaw ko, may personalidad ako na ayaw rin nila. Pero bakit magkakaibigan pa rin kami?
Hindi kaya dahil sa pasensya na pinapairal namin para matanggap ang isa't-isa? O diba? Pumasok yung salitang "pasensya"? Sa tingin ko, sa lahat ng bagay ng ginagawa ng isang tao araw-araw, may pasensya.
Hindi ka ga-graduate kung wala kang pasensya. Hindi ko ito maisusulat kung wala akong pasensya na matapos 'tong kabalastugan na ito. Napatay ko na sana lahat ng taong kinaiinisan ko kung wala akong pasensya. Patay na sana ako kung wala akong pasensyang bumili ng pagkain ko.
May mga bagay na hindi talaga pwede maubos ang pasensya mo dahil mamamatay ka. Pero sa mga kaibigan mo, oo, pwedeng maubos ang pasensya mo at doon mo na maiisip ang pagpili ng kaibigan na hindi ko pa rin maintindihan kung paano ginagawa.
Kasama yun sa pagkakaibigan. Nagkakaubusan kayo ng pasensya. Pag pumutok na ang bulkan, tapos na. Pag pumutok na rin ang bulkan nila sayo, tapos na rin sila sayo. Pero hindi ka ulit mamimili. Dadating lang sila sa buhay mo nang basta-basta at nasasaiyo kung hanggang kailan mo kaya magpasensya kapag nalaman mong hindi naman sila yung tipo ng taong gusto mong makasama.
Ano ba ang pinakamahirap na pagpasensyahan sa isang tao?
Nerd: Hindi niya masagot ang 1 + 1!
Goody-goody: Mas goody-goody siya kesa sakin!
Know-it-all: Oh! Eto pa, isang trivia. Anong... *insert straight face here*
Badass: Putangina. Hahahahaha!!
Musician: Ang bilis niya magbasa ng nota!
Politician: Ang hirap niya sulsulan!
Religious: Praise God!
AKO: Lahat ng ayoko.